Welcome Guest Login or Signup
 
BLOGS   WRITE NEW BLOG   EDIT BLOGS  
 
RSS
Long Distance Relationship
Posted On 02/16/2009 01:58:55 by michaela

Ang LONG DISTANCE RELATIONSHIP ay kadalasang ginagamit na tema sa mga pelikula at kuwento sa babasahing libro. Ito kasi ay madaling hanapan ng butas sa dahilang magkalayo ang dalawang nagmamahalan. Kung sa mga pelikula at kuwento sa mga babasahing libro ay mahirap, ganoon din kaya sa totoong buhay? May ilan akong kakilala na nagkandaleche-leche ang lovelife nang magkalayo sila ng partners nila at may iba din naman na naging matagumpay ang pagsasama nila. Sa katunayan nga nyan kasalukuyan kong nararanasan ang LONG DISTANCE RELATIONSHIP. Kaya naman isa ako sa mga magpapatunay kung mahirap nga ba ang magkaroon ng LONG DISTANCE RELATIONSHIP.

Kung titingnan nateng mabute talagang may paghassle ang LONG DISTANCE RELATIONSIP. May mga nagsasabi na pipilitin nilang maging tapat sa bawat isa, pero hindi mawawala satin ang hanap hanapin ang kalinga at aruga ng ating minamahal. Dahil sa pagkasabik naten na makasama sila, kaya naman pinipilit nateng mabuhay habang wala pa sila sa ating tabe. Para pag nakasama na naten sila hindi na naten hanap hanapin pa ang kalinga at aruga nila, dahil sila ay palage ng nasa tabe nten.

Masarap ding isipin na ang pinangako naten sa bawat isa na magiging tapat tayo ay pinaninindigan naten. Yung tipong pag kausap naten sila ikukuwento mo lahat lahat ng nangyayari sa sarili mo na para bang nasa tabe mo lang siya. Kahit na alam naten na malayo siya naten.

Pero may mga magkasintahan naman talaga na kinakaya ang LONG DISTANCE RELATIONSHIP.Dahil para sa kanila, "absence makes the heart grow fonder". Nakakaya nilang magkalayo sila sa pamamagitan ng hindi paghinto ng communication. Katulad na lang namen ng taong mahal ko ngaun at mamahalin ko pa, na kahit maglakayo kame nakakaya namen na patatagin ang relasyon namen.

Marahil hindi talaga naten masusukat kung gaano ba kahirap ang magkaroon ng LONG DISTANCE RELATIONSHIP dahil may kanya kanya tayong pananaw sa ganitong bagay. May mga nagsasabing madali lang ito habang ang iba naman ay sinasabing mahirap ang magkaroon ng LONG DISTANCE RELATIONSHIP. Kaya kung anu pa man ang mga kumento ng mga tao tungkol sa LONG DISTANCE RELATIONSHIP eh ito lang ang masasabi ko sa kanila "ang mahalaga ay ang tapat at buong pagmamahalan ng bawat isa dahil mula sa kaisipang ito eh uusbong ang isang maganda at maligayang pagsasama".



Bookmark:





*** Grouperz Re-uniting people... ***